May kusinang maliit na nakasiksik sa sulok ng aming opisina sa Makati. Tuwing pumapasok ako sa kusinang ito, napapatigil ako sa amoy.
Hindi. Hindi amoy. Masyadong malakas ang dating ng salitang "amoy", na para bang inaatake ang ilong ko. Samyo. Napapatigil ako sa samyo ng kusinang ito, na halintulad sa samyo ng apartment ni Tatay sa London na aking napuntahan noong 1993. Grasang nag-gelatinize, sabong panghugas ng plato (in fact, parang pareho brand pa nga, e), at isang halimuyak na hindi ko malaman kung saan galing. (Ang suspetsa ko ay galing siya sa isang chemical reaction ng kanin, adobo, mangga, at tuyo sa malamig na hangin.)
Tuwing pumapasok ako sa kusinang ito, naaalala ko na minsan, tumira ako sa ibang bansa.
Apat na buwan na akong nasa Maynila. Sa loob ng sampung taon, ito na ang pinakamakatagal ko.
Siguro mga dalawang buwan nang nakaraan na napansin ko na nagigising ako sa umaga na may pakiramdam na pamilyar mula sa mga araw ko sa Vancouver. Ang una kong nadadarama pag gising ko sa umaga ay panic. Ano ba ang "panic" sa Tagalog? Hindi ko alam. Hinala ko na ito ay sintomas ng ... ewan ko. Ang mga Tagalog ba, dati, hindi nakadarama ng panic?
Nadadagan ang panic ko (kung hindi man nasimulan mismo) ng pagka-deny sa akin ng Canadian visa. After 10 years of studying, working, and volunteering in Canada, ipinagkait sa akin ng mga isang ignoranteng, mayabang na visa-processing officer (at least gano'n ang pagkaka-imagine ko sa kanya) ang visa na sa aking pananaw ay halos birthright ko.
Putcha, na-i-imagine ko na ang life ko dito.
Magpapayaman ako para ma-afford ko ang immigration fees. Dahil mahirap magpayaman sa Pilipinas, magiging super corporate ako. Matututo akong sumipsip at magpapaalila ako sa mga makapangyarihan at may pera. Sa susunod na meeting na may kasamang isang superior, itataas ko ang kamay ko at magtatanong ako kuno. (Sa totoo lang, gagawin ko lamang ito para sumipsip.) "Sir, I was reading in your article in the Philippine Star yesterday," sasabihin ko, "and I had a question about your sampling methods."
Pagkatapos, pag mayaman na ako, magpapagawa ako ng bahay.
I think I'm going insane. Everything is messy here. Transportation, commerce, relationships. And the bodies. Jesus fucking christ, even the bodies are messy here. Spastic, frantic, frenzied. Like salmons spawning.